Ang Hari at Ang Anak ng Magsasaka
May isang hari na
nangangaso at nakakita ng isang magandang dalaga na anak ng magsasaka.
Tinanong ng hari kung nasaan ang mga magulang nito. Sinagot siya ng
dalaga na naroon sa bundok, pumapatay ng buhay upang magbigay buhay sa
mga patay. Pagbalik sa palasyo tinanong ng hari sa isang matalino ang
ibig sabihin ng dalaga. Ito ay naipaliwanag naman sa hari na pumuputol
ng mga puno at nagtatanim ng mga puno. Humanga ang hari sa talino ng
dalaga. Isang araw nagpadala ng isang maliit na ibon ang hari sa dalaga
at inuutos ditong gawing putahe ang ibon ng iyon. Kasalukuyang nananahi
noon ang dalaga at sinabi niyang gawin muna ng hari ang maliliit na
karayom sa pitong kawali upang may magamit siya sa kanyang pagluluto ng
pitong putahe sa maliit na ibon. Lubhang humanga ang hari sa talino ng
dalaga. Mula ay bumalik ang utusan ng hari sa dalaga at sinabi ritong
inuutos ng hari na hulihin ng dalaga ang alon sa dagat. Nagbigay ng
isang bag ng abo ang dalaga at pinasabi sa hari na gawwin munang tali
ang mga abong iyon upang may magamit siya. Dahil sa paghanga ng hari sa
dalaga ay pinakasalan nia ang dalaga. Isang araw sa palasyo ay tinanong
ng babae sa hari kung nasaan ang library. Sinagot siya ng hari na nasa
paanan daw ng Bulkang Mayon. Gumanti ang babae. Hindi niya nilagyan ng
asin ang pagkain ng hari. Naglagay siya ng asin sa platito at ito ay
kanyang tinakpan. Hinanap ng hari ang asin ng pagkain at itinuro ng
babae ang asin sa platito. Nagalit ang hari dahil alam niyang gumaganti
lamang ang kanyang asawa. Agad niyang sinabi sa kanyang asawa na bumalik
na ito sa kanyang ana sa gubat at dalhin lamang ang bagay na pag-aari
nito. Hatinggabi biglang nagising ang hari na nasa gitna ng gubat kasama
ng kanyang asawa. Bigla niyang tinanong kung bakit siya naroroon.
Sinabi ng kanyang asawa na umalis na siya sa palasyo at ang dinala
lamang niya ang tanging sa kanya. Sinabi niya sa hari na ang tanging sa
kanya lamang sa palasyo ay ang kanyang asawa. Humaga ang hari sa kanyang
asawa at siya ay humingi ng tawad dito. Mula noon ay namuhay nanag
maligaya ang mag-asawa.